Life Testimonies on Miracles of Yahweh El Shaddai


From Bro. Aldrine Polido:
Dear Bro. Mike, Sis. Belen and whole El Shaddai DWXI-PPFI family
   Ako po ay si Aldrine Polido tubong Binan City, Laguna. Hindi po ako prayer partner. Hindi po ako Catholic pero I am always listening to DWXI programs and gawain via YouTube through Delta Broadcasting System. Marami po akong favorite programs sa DWXI. Sa totoo lang po, dito po ang way para magbagong buhay ako mula sa aking masasamang gawain. Supporter ako ng gawain through TV noong 1999 at radio nong 2004. Kung baga dati, praise and worship lang hanggang kumanta ng To God be the Glory lang ang napapanood ko. Sa totoo lang choir lang ang inaabangan ko sa tuwing nanonood at nakikinig ng gawain nong mga early years na iyon. Kapag buhay na patotoo ay inip na inip na ako. Gusto ko na talagang mapakinggan ang pag-awit ng choir. Galit na galit talaga ako non sa tuwing kasama ang mga lalaking kumakanta sa choir. Kapag pinapakita sa TV ay pinapalo-palo ko pa ang mga lalaki sa choir lalong lalo na ang choir master. Christian po ako pero hindi ako ganong kaseryoso. Alipin po ako ng galit, poot, sama ng loob, naging stalker, selos, self-centered at kung minsan ay nambubugbog pa ako ng aking kapwa kaklase at naging palasagot pa ako sa aking mga magulang, kapatid at sa mga kamag-anak ko. Pero nong 2007, sa pamamagitan ng talk ni Bro. Gerald Olores at Bro. Raffy Delos Reyes sa isang prayer meeting sa Amorsolo na napakinggan ko sa radyo, doon ako nagbagong buhay. Umiyak po ako sa Panginoon at kusa ko ng isinuko ang aking mga masasamang ugali. Simula non ay patuloy na ako sa pakikinig ng mga Salita ng Diyos sa DWXI, inaabangan ko pa ang playback at live na gawain, inaabangan ko na ang mga patotoo ng mga kapatiran natin sa pananampalataya. Talagang super blessed ako sa mga napapakinggan kong mga patotoo. Lagi akong nakatunghay sa mga programa ng DWXI tulad ng Dailybread, playback at live na gawain, Liwanag sa Landas ng Buhay, pray over and counseling, PFCC hour at higit sa lahat ang programa ng Gospel Choir na Gospel Music Meditations Psalms and Proverbs. Ang pakikinig ko ng gawain ay highlight na at panimula ng aking pagseseryoso sa pagiging Kristiyano ko. Natuto na akong manalangin, magbasa ng Biblia, dumalo sa aming mga fellowships na seryoso, makinig pa ng mga Papuri at pagsambang awitin at higit sa lahat: makisalamuha sa mga spirit-filled Christians like us. Noong 2010 ay tinawag na akong maglingkod sa kanya sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Salita ng Diyos online-offline. Noong 2010 ay nagsimula lamang ito sa pagshashare ng Papuri at pagsambang awitin. Dito na rin nagsimula ng aking pagiging malalim sa pananampalataya. Sa ngayon ay umaabot na sa 10000 ang aking naminister online-offline at most of them ay seryosong naglilingkod na sa kanya. Tunay nga po ang pagiging Kristiyano ay hindi nababase sa relihiyong ating kinaaniban, ito ay nababase sa tunay na personal na relasyon kay Kristo. Aanhin pa natin ang pagiging Kristiyano kung tayo ay umaattend ng gawain, nananalangin, nagbabasa ng Bible, umaawit ng papuri pero ang pamumuhay Kristiyano, maka-karnal. Dapat tayo ay kumikilala kay Kristo, dapat seryoso tayong naglilingkod sa kanya. Genuine faith and genuine relationship dapat ang pinakamainam sa pagiging Kristiyano natin. Salamat sa inyo, Bro. Mike Velarde at pamilya at buong El Shaddai community, kayo ang maging channel of blessings para magseryoso na ako sa pagiging Kristiyano ko although hindi tayo magkaanib sa pananampalataya. Basta po, I will continue to listen to the healing messages from the Word of God by different anointed men and women of God kasama na si Bro. Mike, mga disciples, SVDs at mga iba pang mangagagawa ng ubasan. Regards po sa inyong mga nagagandahan at naguguwapuhang gospel choir especially sa magbestfriend na sina Bro. Edgar at Bro. Nelson. Sa totoo lang po, paboritiong paborito ko po ang mga songs nyo especially ang Finally, Thank God Happy and Prosperous Talaga, Mapapalad, Wow na Wow, Babalik tayo sa Sabado, Ora Mismo, Ako si Noah, Ako si Elias, Ang Salita ng Diyos, Ang Buhay kay El Shaddai, Halina sa Tahanan Niya’y manalangin at sumamba at ibang mga kanta na nacompose ni Sis. Mary Rose nong nabubuhay pa siya. Paboritong paborito ko po talaga si Sis. Mary Rose especially po kapag kumakanta po siya. Namimiss ko na nga po ang boses ng mga kabataang SVDs sa programa ng gospel choir. Nong 3 years ago, kasama nyo lagi sila sa programa nyo. Sana po ay magkaroon na po kayo ng bagong album. Talagang blessed po ako sa book ni Bro. Mike na With El Shaddai Miracles are Forever. Maraming mga himalang nangyayari sa mga kapatiran natin sa pamamagitan ng kabutihan ni El Shaddai. Sa totoo lang po ang mga term na “power, power power 1 + 1 = 3 Lord help me, Ora Mismo, Ako’y napapawow talaga, Tiyak iyon, prayer partners, Thank God Happy and prosperous talaga magaling na, mayaman pa, matalino, matuwid, marangal, wagas ang pag-ibig, malaya, payapa ang kalooban, maginhawa at matagumpay, Ako si Noah ngayon etc, na kalimitang ginagamit sa El Shaddai DWXI-PPFI movement ni Bro. Mike Velarde ay hindi lang exclusive sa kanilang mga miyembro at samahan kundi ITO AY EXCLUSIVE SA LAHAT NG MGA KRISTIYANO NA NANANALIG AT NANANAMPALATAYA KAY JESUS. Hindi dapat maconfused kapag binabanggit ang mga names na iyan lalung lalo na ang Purihin si Yahweh El Shaddai, sinasabi kasi nila na member ka pala ng El Shaddai ni Bro. Mike
CHRISTIANITY IS NOT A RELIGION, BUT IT IS A RELATIONSHIP.
GOD BLESS YOU. JESUS LOVES YOU. HOLY SPIRIT COMFORTS YOU.
PURIHIN SI YAHWEH EL SHADDAI
Your brother in Christ,
ALDRINE
NOTE: Bro. Aldrine is a Christian faithful. And currently share God's goodness to his life through social media account.

From Bro. Edgar Ganton:

Gusto ko lang pong i-share Itong napakinggan ko na patotoo ng isang kapatiran natin sa gawain Ni Yahweh El Shaddai (replay) na napakinggan ko sa DWXI, ang himpilan ng Mabuting Balita at himpilang pinagpala.
Tamang-tama na ang Gospel ngayon ay tungkol sa TUKSO.
Ito ang patotoo niya;sabi niya;Tuwing day-off niya ng Tuesday…dumadalo daw siya sa gawain ng Tuesday Family Appointment Ni Yahweh El Shaddai sa Amvel.Sa araw na iyon (Tuesday)….nakahanda na siyang dumalo pero biglang tumawag sa kanya ang kaibigan niya na nagyayang magpartime at ang kikitain daw nila ay malaking halaga.Hindi daw siya nagdalawang isip…tinanggap niya ang alok ng kaibigan niya dahil sa malaking halaga na kikitain nila.Hindi niya daw itinuloy ang pagdalo ng gawain,mas pinahalagaan niya ang alok ng kaibigan.Pagkalipas daw ng ilan buwan…nagsara ang kumpanya na pinagtratrabahuan niya kaya nawalan siya ng trabaho at ang sumunod ay inatake sa puso pa ang asawa niya.Hindi na daw niya alam ang gagawin niya sa mga dumating na pagsubok sa buhay niya.Panay daw ang panalangin niya at Nagnilay daw siya at naalala niya yon panahon na natukso siya sa alok ng kaibigan niya tungkol sa malaking kikitain at ipinagpalit niya ito sa hindi pagdalo ng gawain.Nagsisisi daw siya sa pangyayari at humingi ng tawad sa Panginoon.At ipinangako daw niya na talagang uunahin na niya ang Panginoon anuman mangyari.Kaya noon tinupad daw niya ang pangako niya sa Panginoon…nagkaroon siya ng mas maayos at mas mataas na sahod sa kompanya na pinagtratrabahuan niya at gumaling pa daw ang asawa niya.
Ang aral dito ay huwag tayong basta-basta magpa matukso sa di mabuting paanyaya ng iba.Ang padalus-dalos na desisyon o paggawa ay walang kahihitnatnan.Kaya mahalaga pa rin ang pakikinig ng Salita ng Diyos at pananalangin para hindi tayo madaig sa anuman tukso.
Pinagpalang hapon po sa ating lahat lalo na sa ating Yahweh El Shaddai at sa ating Servant Leader Brother Mike Velarde. Muli po akong tumatok sa ating mga kapatiran na ako ay ipag Pray sa aking nalalapit na US VISA INTERVIEW. Nawa’y ipagkaloob na sa akin sa pagkakataong ito In Jesus Name. Upang makapagbigay pagpapala sa ibang nanganga ilangan lalo na s aking INA na kasalokoyang nagpapagaling s kanyang karamdaman s stroked. Wla na po akong ibang inaasahan kundi ikaw LNG Yahweh Oh Diyos na Tapat s mga Pangako mo sa amin. I Declared right now In JESUS NAME MY US VISA IS GRANTED NA AYON SI IYONG MGA PANGAKO S AMIN. Salamat po at Ipapangko ko sa sau Yahweh na ito ay along ipatotoo sa stage ng Amvel City after ng interview Amin.To GOD Be The Glory in Jesus Mighty Name with Pray Amen Amen Amen
Power! Power! Power!
1+1=3 LORD HELP ME AMEN
YOUR BROTHER IN CHRIST
BROTHER EDGAR GANTON

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento