Lunes, Oktubre 26, 2009

Panawagan Niya sa Akin

Way back 2004,naalala ko yung panaginip ng kapatid kong si Rex Jonas, ang kuwento nga niya, pinabuksan ko raw sa kanya ang radyo, at ang tanong,"Tape o radyo?", ang sagot ko, "Radyo." Kaya binuksan na lang ang radyo sa DWXI radio station, narinig ko yung naghahayag ng Mabuting Balita na nagsabing, "Si Bro. Ryan", akala ko po ibang Ryan yun pala'y ako, "Si Bro. Ryan America", sabi ng announcer, at tumingin ako sa radyo habang ako'y nasa higaan at sabay wika ng tinig na iyon, "Si Bro. Ryan America ang nagpagaling sa babaing dinurugo sa Amvel." Nang marinig ito sabay wika ng kapatid ko, "Kuya, totoo bang ikaw yung nagpagaling sa babaing dinurugo sa Amvel?" Akala niya'y nasa tabi pa ako ng higaan niya nang dumilat ng mata niya ay lumabas na ako ng kuwarto.
Kaya nga, mga kapatid, kinuwento ko rin sa iba ang tungkol nito, nang maalala ko iyon ay wika ko, "Panawagan ba ito ng Diyos sa akin?"
Bayan ng Diyos, marami pang pagkakataon sa panawagan ng Diyos!
Visit:http://www.youtube.com/kapahayagan