Biyernes, Agosto 16, 2013

EL SHADDAI @ 29: ANO ANG SUSUNOD NA MAGAGANAP?

Dalawampu't-siyam (29) na taon na ang nakalipas mula nang itatag ang El Shaddai DWXI Prayer Partners Fellowship International, Inc. mula 1984. Inumpisahan ito sa pamamagitan ng isang maliit na himpilan ng radyo, ang himpilang DWXI 1314 kHz AM, nagkaroon ng kauna-unahang Mass and Healing Rally sa harapan ng DWXI 1314 kHz AM Radio Station Compound sa PASCOR Drive, Sto. Niño, Parañaque City nung Agosto 20, 1984. Naalala ko nung September 15, 2012, ang ating Punong Lingkod na si Bro. Mike Z. Velarde ay nagpahayag ng anunsyo ng ganito: "Binigyan na po tayo, ang DWXI, ang Delta Broadcasting System, ng isang channel ng telebisyon. May permiso na po tayong bumili ng mga kagamitan nito, para hindi na tinutulak-tulak sa alanganing panahon ang ating gawain sa ibang telebisyon. Diyan mapupunta ang inyong mga handog at kaloob sa Diyos". At noong April 2, 2013, sa ginanap na Pastoral Visit sa Marikina City, ito pa ang binanggit, "...mayroon na tayong telebisyon na itinatayo ngayon, Channel 35, before the end of the year, bubuksan natin iyan..." Maraming tanda, himala, at kababalaghan ang naranasan ng maraming tao mula sa lumang pagkatao, patungo sa bagong buhay na bigay sa atin ng ating Dakilang El Shaddai. Ang gawaing ito ay umabot na hindi lamang dito sa Pilipinas, kundi sa bawat sulok ng mundo, at maging ang broadcast ng DWXI 1314 kHz AM ay naririnig na sa buong Pilipinas at sa buong mundo, sa pamamagitan ng internet: Ang video naman ng gawaing ito na ni-record mula sa live streaming ay mapapanood din sa: Ang El Shaddai program ay regular na napapanood sa IBC 13 tuwing Sabado, alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng Umaga, at tuwing Linggo, alas-12:00 ng Hatinggabi hanggang alas-2:30 ng Madaling-araw. Maging sa TV Maria na napapanood din sa Dream Satellite TV Channel 1, Destiny Cable Channel 94, SkyCable (DigiBox) Channel 160, at sa iba't-ibang cable at satellite TV provider sa buong Pilipinas. Mapapanood din sa buong mundo ang El Shaddai Playback sa ABS-CBN TFC (The Filipino Channel) tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng Unaga (Oras sa California), gayundin sa MiracleNet. Ang mga palatuntunan ng El Shaddai DWXI-PPFI sa himpilan ng DWXI 1314 kHz AM, Himpilan ng Mabuting Balita, Himpilang Pinagpala! Ang radio station ng Delta Broadcasting System, Inc. (DBS) ay mapapakinggan mula alas-4:30 ng Umaga hanggang alas-12:00 ng Hatinggabi Lunes hanggang Biyernes, alas-5:00 ng Umaga hanggang alas-2:00 ng Madaling-araw tuwing Sabado, at alas-5:00 ng Umaga hanggang alas-12:00 ng Hatinggabi tuwing Linggo. Maliban sa araw na may overnight special activities. Tuwing sasapit ang anibersaryo, laging tema ng pagdiriwang ay Pananalig, Pag-ibig, at Pagkakaisa (Faith, Love, and Unity). Bakit iyan lagi ang tema ng selebrasyon? Iyan kasi ang core-value ng gawaing ito. Ano naman kaya ang susunod na magaganap pagsapit ng ikatatlumpung (30) taon sa darating na Agosto ng susunod na taon? Yan ang dapat nating pakakaabangan sa darating na 30th year Anniversary Celebration, maging ang Golden Wedding Anniversary nina Bro. Mike at Sis. Belen Velarde, at sa kanyang Diamond Birthday ng ating Punong-Lingkod na si Bro. Mike Z. Velarde sa 2014.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento