Linggo, Marso 28, 2010

Mensaheng Pang-Kuwaresma

Bayan ng Diyos, tayo po ngayon ay muling ginugunita sa panahon ng Kuwaresma-ang paggunita sa mga huling araw ng Panginoong Jesu-Cristo sa ibabaw ng lupa-na nagsimula noong Miyerkules ng Abo hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay. Karamihan sa ating mga kababayan ay umuwi sa kani-kanilang probinsya, may mga nagsasagawa ng Visita Iglesia, may mga nagpepenitensya, may mga nagpapapako sa Krus kapag Biyernes Santo, may mga nananatili sa bahay para magnilay, mayroon ding pumunta sa mga plaza para manood ng Senakulo, mayroon ding Pabasa, mayroon ding nakiisa sa Daan ng Krus, at ang iba sa atin ay sinasamantala ang paggunita para pumunta sa beach party sa Boracay at concert tour. Tingnan po natin dito sa Pilipinas halos iilang mall ang nagsasara ng dalawang araw (maliban sa Baguio City) at nagbukas ng Sabado de Gloria, may mga himpilan ng rayo-AM man o FM-ay nag- off the air ng halos tatlong araw, dalawang araw o isang araw maliban ang mga religious radio stations (isa rito ang DWXI), maging ang himpilan ng telebisyon-VHF man o UHF-ay nag- off the air ng tatlo, dalawa o isang araw (maliban ang cable channels) at may mga pahayagan ay nagsasara ng tatlo, dalawa o isang araw (maliban ang Manila Bulletin, Tempo at Balita). Maging ang mga convenience stores 24/7 walang pahinga. May mensahe ang ipinakita sa atin ng Panginoon at ito ang kanyang sinabi, "Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya ibinigay niya ang kanyang Bugtong na Anak upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng Buhay na Walang Hanggan" (Juan 3:16).
Dinanas ng Panginoon ang hirap at sakit na ibinuhos Niya sa ikatutubos ng Sanlibutan, kaya, mga kababayan, ngayong Kuwaresma, isadiwa po natin ang Dakilang Pag-ibig ng ating Panginoong Hesu-Kristo.

Linggo, Enero 31, 2010

BPS:22 Years na. Anong Mayroon Matapos ang High School Life Ko?


Sa nakalipas na 22 taon, noong 1988, itinatag ang kauna-unahang Paaralang Pang-Katoliko sa Lungsod ng Taguig, iyan ang tinatawag na Bicutan Parochial School(BPS), ito'y itinatag noon bilang tirahan ni Rev. Fr. Pedro "Pete" B. Taton, ang eskwelahan noon ay bahay ng mga kursilyista o Cursillo House. Ito'y pinalitan at naging eskwelahan noong Pebrero 22, 1988, at sa lumipas na taon, pabagu-bago ang imahe ng school. Mula 2000, una kong pasok doon mangilan-ngilan lang, 1st yearhanggang 4th year, halos lahat ng classmates ko aasarin ako kaya nagalit ako, pero hindi tulad ngayon. Naalala ko during 4th year recollection sa AV Room ng Pateros Catholic School, ibinuhos ko ang aking luha dahil sa mga insultong ginawa sa akin ng mga batchmate noong 2004. Noong 2009,ang website ng aking Alma Mater ay inilunsad, ang makabagong website na aking nakita.Kaya sa makatuwid, nag-create ako ng grupo ang "Batch 2004, Tiyak yun!" at halos lima lang kaming mga nasa grupo, tuloy pa rin. Isa ako sa mga miyembro ng Batch 2004 Alumni. Hopefully, by February this year, dadalaw ako diyan sa aking Alma Mater. Binabati ko po ang mga kapatiran sa Bicutan Parochial School(BPS) ng isang maligayang ika-22 taong anibersaryo. Remember this, all the glory belongs to Jesus Christ. Maraming salamat po!