Biyernes, Hulyo 24, 2020

EL SHADDAI PFCC-GMA-TAPATPA HISTORICAL BACKGROUND

EL SHADDAI TAPATPA PARA SA PANANALIG, PAG-IBIG, AT PAGKAKAISA
82381168_2866991116693934_3771841731046146048_oLumipas at magbago man ang panahon, El Shaddai PFCC Tapatpa ang tanging nasa isip natin. Sariwain po natin kung paano nagsimula ang TAPATPA.
Ang Pasimula ng TAPATPA
     Taong 2002, nagsimula ito bilang Monthly General District Assembly Mass and Healing Rally ng Pasig, Pateros, Taguig.  Labing-walong (18) taon sana ito, subalit noong 2009, sa ginanap na anniversary ng TAPATPA, nang batiin ng emcee na, “Happy 7th Year Anniversary po sa ating lahat”, biglang nagalit ang unang Obispo ng Diyosesis ng Pasig na si Most Rev. Francisco C. San Diego, D.D. (Deceased) at ang sabi, “Paano magiging 7th Anniversary, mag-aanim na taon pa lang dito sa August?” Kaya naman, sa tulong ni Sis. Persy Torres, kinumpirma ito sa kanilang Parish Priest sa Sto. Tomas de Villanueva sa Santolan, Pasig City, at totoo nga, maging sa Cathedral ng Immaculate Conception sa Plaza Malinao, Pasig City at sa Bishop’s Residence sa Pasig, kinumpirmang mag-aanim na taon pa lang ang pagkakatatag ng Diyosesis kaya binawasan na ng isang taon.
Ang mga Monitoring Heads
Bro. Ed Rona 2002-2003
Bro. Samson Patag 2003-2004
Bro. Rod Z. Velarde 2004-2005
Bro. Dario Briagas, Jr. 2005-2007
Bro. Lito Miranda 2007-2010
Bro. Mel Marcos 2010-2011
Bro. Che Corrales 2011-2012
2018-present
Bro. Noel Abuda 2012-2013
Bro. Lito Rosanto 2013-May,2014
Bro. Rey Bravo May-August2014
Bro. Rex America 2014-2015
Bro. Dennis Frias 2015-April, 2016
Bro. Meds Cabello April-September,2016
Bro. Jun Ero Sept.,2016-Feb.,2018
     Sari-saring patotoo ang ibinahagi ng mga kapatiran sa bawat chapters, prayer groups, and cell groups ng nasabing PFCC.
     Sa paglipas ng panahon, panatag ang ating kalooban dahil ang El Shaddai PFCC Tapatpa ay mananatiling nakakabit sa Pananalig, Pag-ibig, at Pagkakaisa.

    Bisitahin po ang Official Facebook Page: El Shaddai TAPATPA

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento